Pursigido ka bang makahanap ng trabaho? Isa sa mga paraan na maari mong gawin ay ilagay ang iyong resume sa mga job portals tulad ng PhilJobNet.

Kung ilalagay mo ang iyong resume sa mga job portals tiyak na maraming recruiters ang makakakita nito. Lalaki din ang pagkakataon na makatanggap ka agad sa trabaho.

Maari mong sundin ang iilan sa mga tips na nakasulat sa baba upang hindi ka mahirapan sa paglalagay ng iyong impormasyon sa mga job portals.

1. Bago mag-log in sa isang online job portal,isulat mo muna sa iyong notepad ang mga impormasyon na kakailangan sa iyong resume upang mas maging madali ang paglalagay nito sa mga online job listings.

2. Gumamit ng mga salitang nakahanay sa iyong industriya upang madali kang mahanap ng mga recruiters. Halimbawa, kung ikaw ay isang stockman, gumamit ng mga salita tulad ng stock levelfirst in first out at inventory. Tiyak na madaling makikita ng mga recruiters ang iyong resume.

3. Sa PhilJobNet, hindi na kailangan pang lagyan ng litrato ang iyong resume maliban na lamang kung hihingin  ito ng isa sa mga Human Resources Personnel. Gawin mong simple at madaling mabasa ang iyong resume.

4. Iwasang gumamit ng mga font na hindi madaling mabasa. Gawing pormal ang iyong resume at huwag gumamit ng iba’t ibang kulay ng font. Bago mo tuluyang ilagay ang iyong resume sa mga online job portals, mabuting basahin muna ang mga impormasyon na inilagay mo sa iyong resume. Mahalagang tama ang baybay ng mga salita, makikita ang iyong pagkamasinop at ang iyong talino.

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet