Sa panahon na lahat ng tao ay hindi makalabas ng bahay, ang iba ay nawalan ng pinagkukunan ng ikabubuhay. Maraming oras ang ginugugol para ang tao ay magisip ng mga bagay bagay. Madalas ay nakaaapekto na ito sa pag-iisip at kalusugan ng iilan. Kaya naman kailangan nating maging produktibo para maging masigla ka kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Ano ba ang dahilan kung bakit hindi tayo pwedeng lumabas ng bahay?

Totoong limitado ang paglabas natin sa ating mga tahanan pero ang limitasyong ito ang nagbibigay proteksyon sa iyo at ng pamilya mo. Mahalaga na alam mo ang rason kung bakit ikaw ay nasa ganitong sitwasyon. Ang iba ay hindi mapigilang maging malungkot pero ang importante ay protektado ang lahat.

Anu ano ba ang maari mong gawin habang ikaw ay nasa bahay?

Dagdagan ang iyong kaalaman sa trabaho.

Pagkakataon ito upang mapagaralan ang industriya ng iyong kinabibilangan. Humanap ng mga kurso o mga videos makakatulong upang mas lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa iyong trabaho.

Simulang maghanap ng bagong mapagaaralan.

Maaari ka din naman na mag-aral ng bagong impormasyon o kurso katulad na lamang ng computer programming o web development. Mayroong mga libreng kurso na iyong maaaring simulan habang ikaw ay na sa bahay.

Mahalagang maging produktibo habang lahat ay limitadong lumabas ng bahay. Ngunit, huwag nating kakalimutan na mahalaga din ang maging masaya kahit tayo ay nasa gitna ng krisis.

Tandaan na maraming paraan at dahilan para maging masaya.

Maliliit na bagay tulad ng pakikipaglaro sa iyong mga anak at pakikipag usap sa iyong mga kapatid, magulang at kaibigan gamit man ang teknolohiya.

Magpasalamat sa mga maliliit na bagay na mayroon ka. Ugaliin ang pagpapasalamat sa pag-gising sa umaga, sa pagkain, at sa pagtulog. Hindi man sagana ang iyong hapag kainan ay mabuti pa rin ang pagpapasalamat sa mga munting biyayang natatanggap sa araw araw.

Malaki ang maitutulong ng pagiging positibo sa gitna na mga nangyayari sa paligid. Lagi mong tatandaan na kahit gaano kalakas ang bagyo ay titigil din. Kaya tulad ng iyong nararanasan sa ngayon, darating ang araw na magiging maayos ang lahat. Habang hinihintay natin ang araw na ang lahat ay maayos na, gumawa ka ng maliliit na hakbang para sa iyong ikabubuti at sa ikabubuti ng iba.

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet